Friday, October 12, 2012

Friendster Time Blog KOLEKSYON

sound of silence (i’m out of rhyme)

(July 6, 2010)

RULE : ganito kasi yan,kailangan mo basahin ng mabilis. okay Game!

it’s when wind blows 
whispering something.
with crickets chirping,
your heart is beating.
stars blinking,
clock ticking.
you’re wandering wondering 
stupid thinking.
then started rhyming with sleeping birds humming, tweeting.
now you’re singing,
and actually you’re reading.

* hindi yan tula, hindi rin yan tongue twister. isa lang yan sa mga kalokohan ko. haha
peace! :))

It’s my “M” (where to start?)

(June 7, 2010)

M is for Miracle. I am lucky because I’m blessed by God always. Even I feel like I don’t deserve his grace sometimes, there is “grace under pressure”.

M is for Mother. I’m proud to say that I have the best one.When I was second year high school, a good friend shared the story about his mother in class. He said “losing a mother is almost losing half of your life”, hindi ko makakalimutan ang sinabi niya na ‘yon. It just left me teary eyed, kahit hindi ko napansin na umiiyak na pala ko (hehe). Mapalad yun mga tao na kasama pa nila yung mga nanay nila katulad ko, and I’m so thankful for that.

M is for Mind. Let’s just say that everyone does have a great mind. Everyone has their own perceptions in life. Nobody can dictate anyone what should they do or not to do. “Everyone is a master of their own vision”.

M is for Morning. Each morning is a blessing. Minsan puro problema na lang yung iniisip natin araw araw. Paano yun?  Paano na ‘to? nakakalimutan na natin ang isang bagay.”na bawat araw na gumigising tayo, nagkakaroon tayo ng panahon para ayusin ang mga bagay na dapat nating ayusin” . May naalala tuloy ako”wag mo problemahin ang bukas…bukas pa naman yun!”…(haha. ang totoo nakalimutan ko talaga kung ano yun sunod)

M is for Management. Madaming bagay na sa tingin natin kaya nating ma-control, pero kahit sabihin mo pa na “everything is under control” hindi maiiwasan nadumadating ka sa point na you just lose it. (ano daw?)siguro depende nalang yun on how you can handle things even at it’s worst point. “Proper management”lang yan sabi nga nila. Pero alam ko na hindi madali mag-manage ng isang bagay,lalo na pag dating sa oras. Problema ko din kasi yun kadalasan.

M is for Money. Sino ba namang tao ang hindi nangangailangan ng pera? Lahat yata tayo problema yun. Pero sabi nga“money should be the last motivator”, madami pa namang mas mahalaga kesa dun.

M is for Music. “Music is what feelings sound like”. Tama! ang boring kaya ng buhay pag walang music. Kulang ang araw ko kapag wala akong naririnig na kahit ingay man lang. Through music you can express something that you’re mouth can’t speak out. Madaming gumagawa ng ganun. Halimbawa na lang yung mga taong kulang sa lakas ng loob para magtapat ng nararamdaman. (naks naman !:D). Here are some quotes that I love bout music:

M is for Math. Nung elementary ako paborito ko ang math, ewan ko ba kung bakit  ayaw ng marami yun subject na yun. Hindi ba nila alam na umiikot sila sa mundo ng math?mula paggising sa umaga, pag bumibili sa tindahan, sa pagsakay ng jeep hanggang pagbaba, sa paghingi ng baon sa nanay at pagtingin sa orasan. Kahit simpleng one plus one basta about numbers ganun pa rin. Pero nainis lang ako nung fourth year high school ako ,wala kasi ako masyado natutunan sa Trigonometry, badtirp kaya yun!!!haha. But still, you just need to make it simple, don’t make things complicated. There is always a solution.—principle of mathemetics.

M is for Memories. Memory is a way of holding onto the things you love, the things you are, the things you never want to lose. May mga bagay na gusto natin kalimutan nalang at ibaon sa limot. Madami rin naman na gusto natin ibalik o balikan kahit alaala nalang sila. Sabi nga ni Aldous Huxley “every man’s memory is his private literature”. Kunwari writer ka, tulad ng manunulat, araw araw sa buhay ng tao may mga pangayayari na isinusulat natin sa ating isipan at sa ating puso. Every day is about writing each page of the story, each journey, and every  second. Time will come that you are going to compile all those pages into a book of life, a book of your works and contributions, book of your ups and downs, book of love, book of special moments. At sa huli darating yun time na uupo ka sa isang tabi at bubuksan muli ang librong naisulat mo. Siyempre mapapangiti ka, kahit may mga pahina na hindi mo pwedeng burahin.  

M is for Mistakes. If you do not make mistakes, you’re not working hard enough for your problems, for me that‘s the BIG MISTAKE. Parang nung nag-aaral ako magbike , lagi ako nagkakamali, nauuna yun takot ko, pero habang sinusubukan ko  muli’t muli, natututunan ko din kahit pa konti konti lang.(ang totoo hanggang ngayon,palpak parin ako):D.Tao lang kaya nagkakamali. At least I tried. Bago ka maging expert magagawa mo muna lahat ng pagkakamali. Sabi nga Never say “oops”, always say “ah, interesting.”


*pinagisipan ko pa kung ipo-post ko ba ‘to…nice to share!:)
M is for Me…M is for Magne



"weird copy" (revised)

(January 20, 2009)


*note: if you don’t understand…then blame the writer! =)


I’m awake, strike 4:11
A thought which I do not expect.
Something’s telling me "what’s up?”

An insight of signs breaking my head, it screams silently.
Like a personal brand of drug it flows in my system.
I can’t explain, sure I can’t.
No reason at all,is there any answer?
A strong pressure of questions.
Unknown reason.

Untold and hidden.

A mood without expression.
I am not a writer or a desperate one.

I want to ignore this, I tried, and I do.
There is self rejection of countless distractions.
But it’s like a sickness without a cure.
Time can’t heal this.


A sweet nightmare?
Why it keeps on playing?
Like a note without a rhyme.


Music speaks, Yes!
But I hear nothing.
Still it keeps on playing a soundless song
A loud whisper.
I don’t understand.
It makes me blue.


Every time this thought visits me, my heart aims to explode.
But like I said, there is nothing.
Even a plain sand print, no mark.
I’m the only one who knows.


This sounds weird and pointless.
But sometimes…"even a genius is half insane"

 ---------
note: sinulat ko 'to noong mga panahon na nagsisimula ko pa lang mai-conclude 
na gusto ko talaga mag-sulat.


Thursday, September 27, 2012

Fall and leave.

"Habang wala pang tono ang aking likha, hayaan mo na ibahagi ko ito sa isang maikling tula..."


It's like when leaves fall into the ground,
for light its weight you won't hear a sound.

When they swiftly fly and reach the sky,
as they dance with the music of the air in a glimpse.
Somewhere they might fall, we'll never know where or when.
It'll happen though, very sudden.


I wish i could fall in love like falling leaves do.
Even they fall or hit the ground,
even in their pain we never knew.

But I thought, i cannot fall in love like falling leaves do.
Because sooner they'd fade away.
Without life it's still blue.


I will never fall in love,

simply I WILL LOVE. ♥ :)

Sunday, March 11, 2012

"Life is a journey"

" Isang araw, naisipan ko mag-journey... 
sa pedestrian lane???? :) pero parang ganun na nga... LOL


observing while wandering and wondering...

See what's inside of MV Logos Hope...

ano daw???


Ano nga ba ang madalas itanong ng mga kabataan sa ngayon?
Ikaw, ano sa palagay mo?

"BOOK FAIR"

Bible Section


with Mr. Romnick Sarmenta, we saw him visiting the ship also with his wife...

Photos taken courtesy of my good friend Diom :)
*ooppss!! taken inside Marlow Navigation Training center :)

"LOGOS X-perience"
Nang makita ko ito, naisip ko lang, KAYA KO KAYA 'TO BASAHIN LAHAT?...

"Eh kung... bilangin ko kaya??
(Pictures was taken March 7, 2011 at MV LOGOS HOPE, Manila South Pier  )
These are note posts for the victims of HIV, posted by different people, from different places, of different times around the globe. COOL! :)

MV Doulos photo


I've read a quote in Logos Hope Valleta saying,

 "Life is a journey, we're all going somewhere...
But, 
WHERE ARE WE GOING?"

it made me think until I come up with this thought:

I do believe that...
let Him lead your way, follow Him and trust Him.
He'll show you great things in life,
even greater than what we hope for, expect and imagine.


" Love is not a feeling... kaya huwag ka feelingera! (biro lang :D)

for the Bible says, "GOD is Love"
so if you want to love and be loved,
KNOW who your God is.
have an intimate relationship with Him and discover your DESTINY."

There are two greatest days in our lives,
first is the day when we're born,
second, the day when we discover why we are living 
---knowing the PURPOSE of our existence.

Always give thanks to the one who gave your life.

REMEMBER that...



and He knows our hearts.

Be a blessing to others. GOD bless you. :)

"For where our treasure is, there will be our hearts also." Matthew 6:21            




Sunday, August 7, 2011

anong problema mo?

matagal ko na rin nakalimutan gawin ang isa sa mga bagay na gusto ko ginagawa.
anong problema?--abala sa ibang bagay, sa napakaraming bagay.

kapag sinabing commitment, ibig sabihin may prayoridad at may responsibilidad.
o'? e anong problema? alam mo ba talaga ang dapat unahin?
--ang totoo HINDI.

minsan ganito ang senaryo,

may mga tao na ordinaryo lang sa kanila ang lahat ng sitwasyon.

ordinaryo na nahihirapan at naguguluhan.
ordinaryo na nagmamadali kapag may kailangan tapusin.
ordinaryo na mas piliin ang mga bagay na SAKTO LANG para sa pangangailangan, kesa kunin yung
MAS MAKABUBUTI o yung PINAKAMABUTI .
sa madaling salita, pinalipas lang nila ang opportunities na dapat hawak nila kasi nililimitahan nila ang mga sarili nila.

pwede naman hindi ganito di ba?

kasi nga anong problema?
-- hindi nila alam kung ano ang PRIORITIES nila kaya distracted sila kahit sa paggawa ng mga simpleng  desisyon.


What is PRIORITY?
- getting first things first.

ano naman ang kalaban ng PRIORITY?
URGENCY.

yan ang problema mo...

yan ang problema ko.

Friday, April 15, 2011

"SANA MAKITA at MARINIG mga MUNTING TINIG"

(12:22 pm, 4/15/11)

“ sana’y wala ng nagugutom at nauuhaw…”

          May anim na bata ang sumakay sa jeep na sinasakyan ko, tatlong babae at tatlong lalaki. Sa baybayin ng Rizal Avenue…

“HOY!” sigaw ng driver ng jeep.
Ayaw ng drayber na pasakayin sila dahil sa mga palaboy sila at madudumi.
“TAYUMAN LANG PO.” Sabi nung isa sa mga batang babae.
May isang batang lalaki na umupo sa akyatan ng jeep…
“ REREN! Wag ka diyan umupo baka mahulog ka.” sigaw ng isang bata.
“OO NGA Reren, kapag nahulog ka sagutin ka pa ng drayber.” Sabi pa nung isa.
“KAYA KO ‘TO!” pagmamayabang naman ni Reren.
Bagamat dahan dahan lang naman magmaneho ang drayber ng jeep.

          Ako, isang manong at yung anim na bata lang ang sakay ng jeep sa loob nito bukod sa driver at katabi nitong pasahero sa unahan ng sasakyan.
Oo, si Reren lang ang nakilala ko sa pangalan sa mga bata, nagkataon lang kasi na binanggit ito ng mga kasamahan niya.
Bumaba ang manong ilang kanto bago sa istasyon ng LRT sa Tayuman, sinundan ito ni Reren na nauna ng bumaba sa kesa sa mga kasama.

          Ewan ko kung anong trip ko sa buhay at naisipan ko na patagong kunan ng litrato gamit ang kamera ng cellphone ko ang tatlong bata sa harapan ko. Napansin nila ako sa kalokohan ko at ayun na nga, HULI KA MEN!
Akala ko mapapahiya ako pero  bigla silang NAG-POSE.

unang shut “BLURR”…


Naki-pose na din ang dalawa pang bata na kanina lang e katabi ko…

TSARAN! (Sorry kung hindi masyado malinaw, mumurahin lang kasi ang cellphone ko. ^^)


         Natuwa ako sa mga ngiti na nakita ko sa mukha nila. Para bang napakababaw ng kaligayahan pero para sa kanila MALAKING BAGAY NA ANG SIMPLENG pagpapa-PICTURE para maging masaya. 


Naka STOP SIGNAL ang Traffic lights sa Tayuman. Bumaba na ang mga bata.

        Nakaupo ako sa pinakaunahan ng jeep, malapit sa pintuan. Ilang Segundo pa lang ang nakakalipas buhat ng bumama sila…

“ATE! ATE!”
“AYUN SI ATE OH’!”
 Nakita ko yung  tatlo sa mga bata kanina, pero ngayon kasama na si Reren. Bakit kaya sila bumalik?
“BAKIT?” nakangiting tanong ko.
“ATE PA-PICTURE DIN DAW PO SI REREN.”
 Bahagya sana silang aakyat muli sa jeep ng sumigaw ulit si manong driver…
“HOY! BAWAL SUMAKAY!” sigaw ni manong.
Dahil sa kasalukuyan nga na naka-stop signal kaya steady lang lahat.
“LOBAT na eh,” sabi ko na lang para makaiwas. Pero makukulit talaga sila kaya eto..

SHUT pa!  tssing!!( kasama na si Reren) 




          Naalala ko tuloy yung kinanta nila ng sabaysabay habang umaandar ang jeep. May sarili silang bersyon

        Kinanta nila ang "SANA" ng bandang Kenyo, medyo madamdamin kaya nalungkot ako.Naalala ko bigla, kinankanta rin pala ito ni MUTYA. :p

Sana ang buhay ay walang dulo o hangganan.

Sana’y wala ng taong mahirap o mayaman.

Sana’y iisa ang kulay, sana ay wala ng away

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin, sana’y magkatotoo.

Sana’y laging magbigayan

Sana’y laging magmahalan

Sana ang tao’y hindi nagugutom o nauuhaw

Sana’y hindi na gumagabi o umaaraw

Sana ay walang tag-init, sana ay walang taglamig

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin, sana’y magkatotoo.

Sana’y laging magbigayan

Sana’y laging magmahalan...


      Naisip ko na ganito talaga ang lagay ng lipunan.
Sa sobrang dami ng kwento, karamihan sa mga dapat alam ng tao e binabalewala at hindi napapansin o sabihin na natin hindi talaga pinapansin ng may kapangyarihan.

Isa lang ang gusto ko para sa kanila...

"Sana mabigyan man lang sila ng pagkakataon na makapag-aral at mabuhay sa kapaligiran na angkop para sa kamusmusan nila..."


"... at para kapag natuto sila mag-internet e mabasa at makita nila 'to!"
haha. BIRO LANG PO! (:


Pano ba yan?

INGAT!

Wednesday, April 13, 2011

"Misis P en R"

Tagpuan: ang baybayin mula dito hanggang doon habang nakasakay sa "TREN-trenenen"


Mga tau-tauhan :


       OT's: hanay ng mga "special child" na nag-aaral sa isang "special school" at nangangailangan ng tinatawag na "special attention and special understanding". Ang grupo nila ang sumakop sa halos lahat ng upuan sa loob ng tren kaya hindi na nabigyan ng pagkakataon na makaupo ang ilang matatandang pasahero, disabled, mga buntis o kaya naman mga may kasamang sanggol na anak..--but that's another issue.


      Ate B : isang first timer na pasahero at the age of 28. Biro pa niya, "may maidadagdag na naman ko sa resume ko..." kumbaga achievement.


      Misis P en R : siya ang bida sa kalokohang ito. Siya ang sikat. Siya ang nakakuha ng atensyon ng lahat. Siya na ang magaling. Siya na ang tama. E' DI SIYA NA NGA!


      Thin G: isa sa mga nakaaway ni Misis P en R. Ang papel niya ay ipaliwanag ang mga rules and regulations at kung anu-ano pang katwiran patungkol sa pagsakay sa tren.


      Fat G : kabaliktaran siya ni Thin G, pero pagdating lang yun sa waistline.Pareho nilang kaaway ang bida. Ang papel niya naman ay makipagtalo sa ale dahil sa paulit ulit na reklamo nito.


     Pasa-heros: may "s" kasi madami sila (para matapos na din ang uasaupan tungkol sa mga tau-tauhan ng shit na ito)


ABOUT THE WRITER 
 
      Siya ay madalas nagpipigil ng ngiti. Kunwari patingin- tingin lang at walang pakialam sa nangyayari sa paligid.Madalas din siyang napagkakamalang bingi dahil kahit naririnig niya e kunwari na lang hindi. Kaya niyang huwag magsalita maghapon kapag trip niya.
     Ang totoo nag-iisip kasi siya. Iniisip niya na kung paano niya sisimulan ang pagsusulat na kwentong ito. Nahirapan din siya sa pag-iisip ng title, kaya heto na lang ang kinalabasan.


     Eh ANONG ROLE NG WRITER sa loob ng tren?


     Trip niya bilangin ang mga pasaherong naabot ng kanyang tanaw. Yung mga pasahero sa harap, sa tagiliran, sa malapit sa pinto at sa likuran niya. At pagka- nakalimutan niya kung ilan na yung nabilang ay uulitin niya ulit ang pagbibilang. Parang tanga lang, pero hindi mo siya masisisi kasi bored na bored na siya. (ikaw ba naman ang maghintay ng labing apat na estasyon.)




okay class, let's BRING IT ON!! (:


Humingi ng pabor sa akin si Ate B., nagpapasama siya sa alabang med. para sa therapy niya. Dahil mura ang pamasahe, mas pinili namin na mag-tren na lang.


Alas-tres ang skedyul ng tren na sasakyan namin papuntang alabang, labing-apat na station din yun mula blumenttrit. Mahaba habang biyahe din.


Sa waiting area, may isang batang babae, ang tantya ko e nasa mahigit isang taon na siya. Biro ni ate B.
" buti pa yung bata, batang bata pa e nakasakay na sa tren", sabi ko naman " first time mo? ayaw mo nun at 28 makakasakay ka na sa tren..." sabay tawanan.


Nang dumating na yung tren, unahan na ang mga babaeng pasahero sa pagpasok sa loob siyempre para makaupo. Bumungad sa amin ang hilera ng mga bata na hindi naman talaga mga mukhang bata pa.Nasakop na kasi nila halos lahat ng upuan kaya ang nangyari e si ate. B na lang ang nakaupo at ako ay tumayo na lang sa malapit sa may kabilang pintuan kung saan pwede akong sumandal sa handrails. Napansin ko na yung grupo ng kabataan ay nakasuot ng pare-parehong jogging pants na kulay orange so inassume ko na iisang foundation or school ang pinapasukan nila. Napansin ko din na parang kakaiba yung behavior nila. Mga special child pala sila.


Next station EspaƱa...


Nabaling ang atensyon ng lahat ng may marinig kami na isang babae na nagwawala at nagrereklamo. Galit na galit ang ale at sinisigawan niya lahat ng guard. Ano kayang problema niya?


" di ba nakiusap na nga ako sa inyo dati, tinanong ko kung pwede ba na may kasama kasi mahina na ang katawan ko...sabi ng isang gwardya e pakiusapan ko kayo na kung pwede isama ko dito yung anak ko. Dati nasaktan na ako pero sabi niyo wag ako magreklamo kaya pinalampas ko yun..." sabi ng ale (aka Misis P en R)


" ikaw na naman? tumigil na po kayo, saan na ang ticket niyo? asan na? patingin nga po.." sabi ni Fat G.


parang walang narinig ang ale at patuloy pang nagsalita


" sinabi ko kung pwede ko bang isama ang anak ko dito...bakit madami naman akong nakikitang mga lalaki na mas malakas pa sa anak ko. bakit nandito yang mga yan? underage pa ang anak ko at mas mahina ang katawan kesa sa kanila..."


" bawal po sa area na ito ang mga lalaki, ang pwede lang po dito ay mga babae, matatanda at disabled. Hindi niyo po siya pwede isama dito, kayo po pwede sumama doon pero bawal po siya dito...sinusunod lang po namin ang mga rules...ginagawa lang po namin ang trabaho namin..." sabi naman ni Thin  G.


hindi pa rin nagpaawat si Misis P en R at patuloy sa mga litanya niya


" sinabi ko na... nakiusap na ko nung nakaraang araw, mas mahina pa yung anak ko kesa sa mga lalaki dito...hindi porket naka-uniporme kayo e maaano niyo ko.yang mga naka-uniporme na iyan mga magnanakaw, kala mo kung sino, kung anu- anong kawalanghiyaan naman ang ginagawa...sige subukan mo ko saktan!" sabi niya kay Fat G "magpapasakit ako sa inyo, doble ang babayaran niyo sa akin...ewan ko lang, akala niyo maano niyo ko."


"asan na yung ticket?patingin nga ho, akin na!...reklamo ng reklamo wala naman ticket na mailabas" sabi ni fat G.


" ano ko tanga? bakit ko ibibigay sa inyo ticket ko?..kunin nyo pa yung ticket at nanakawin niyo tapos palalabasin niyo na wala akong ticket...ano ko? haynako,akala niyo...kala niyo kung sino kayong mga naka-uniporme e kayo naman ang may dahilan ng lahat ng kawalanghiyaan..."


paulit-ulit, paulit-ulit. Kulang na lang itanong ko kung UNLI ba siya? ganoon ang eksena hanggang sa makaabot kami sa Sta. Mesa.




itutuloy...

Friday, March 11, 2011

"hehe" (ang sabi ng beginner)

araw ng miyerkules 5:40 am, tumunog na ang alarm ng cellphone ko.


after my morning rituals before going to school.
lakad ng mabilis sa kanto ng Halcon, tumawid ako sabay para ng jeep papunta ng Recto Ave. sa Sta. Cruz.


eto na, bumaba na nga ako ng jeep sa kahabaan ng Avenida.
lakad ulit, lakad pa.
tamang nagsa-soundtrip kaya wala ako masyado naririnig na ingay ng mga sasakyan.


ng biglang...


TSARAN!


bakit may parang gumagalaw sa likuran ko?, yung backpack ko?
MAY GUMAGALAW SA BACKPACK KO!


mabilis akong lumingon sa kanang tagiliran ko
kung saan ko naramdaman yung paggalaw ng bag ko,
nakita ko ang isang lalaki, nasa 5'7 ang taas, may kapayatan,
nakasuot ng kulay orange na t-shirt, black na short, blue na sumbrero at may nakasabit na jacket na brown sa
kanang balikat niya. mukhang puyat, problemado o baka naka-tira lang siguro?


MAGNANAKAW! (sigaw ng utak ko...pero habang nagsa-soundtrip.)


nagkatitigan kami sa mata, medyo ilang segundo rin yun.
sabay napatingin ako sa bukas kong bag, sa cellphone ko at sa coin purse na akma niya sanang dudukutin. sabay isinarado ko agad ang bukas na bag at niyakap ko ng mahigpit.
napatingin din ako sa mga kamay niya, napansin ko ang SOBRANG PANGINGINIG nito.


walang duda, isa siyang mandurukot.


hindi ko alam kung maiinsulto ba ko, matatawa o ewan.
ang totoo niyan, wala akong naibigay na reaksyon sa gitna ng tensyon nung oras na iyon. 
(shocked or surprised?) 
basta nakatingin lang ako sa kanya habang nagsa-soundtrip. medyo ang labo ko talaga kung minsan.


may binitiwan siyang salita.
mabuti pa siya may "last word".


ang sarkastiko ng dating,
ngumiti siya sa akin sabay sabi


"HeHe"


WOW ang lupet! nakaka-elibs. kamusta naman yun?
ninanakawan mo ko tapos yun lang ang kaya mong sabihin?


sa gitna ng pagsa-soundtrip ko, malinaw kong narinig
ang pinaka-STUPIDOng version ng salitang "hehe".


pagkatapos ng eksenang iyon, mabilis siyang tumawid na parang wala lang.


ako naman,
nagpatuloy na lang din sa paglalakad habang tinitignan ko kung saan na papunta ang lalaki.
mas naisip ko pa nga na late na ko kesa sa nangyari.


isa lang ang naging komento ko

"BEGINNER ba siya?"

----minsan talaga ang labo ng mga tao. ang labo ko wala man lang ako ginawa.