Friday, April 15, 2011

"SANA MAKITA at MARINIG mga MUNTING TINIG"

(12:22 pm, 4/15/11)

“ sana’y wala ng nagugutom at nauuhaw…”

          May anim na bata ang sumakay sa jeep na sinasakyan ko, tatlong babae at tatlong lalaki. Sa baybayin ng Rizal Avenue…

“HOY!” sigaw ng driver ng jeep.
Ayaw ng drayber na pasakayin sila dahil sa mga palaboy sila at madudumi.
“TAYUMAN LANG PO.” Sabi nung isa sa mga batang babae.
May isang batang lalaki na umupo sa akyatan ng jeep…
“ REREN! Wag ka diyan umupo baka mahulog ka.” sigaw ng isang bata.
“OO NGA Reren, kapag nahulog ka sagutin ka pa ng drayber.” Sabi pa nung isa.
“KAYA KO ‘TO!” pagmamayabang naman ni Reren.
Bagamat dahan dahan lang naman magmaneho ang drayber ng jeep.

          Ako, isang manong at yung anim na bata lang ang sakay ng jeep sa loob nito bukod sa driver at katabi nitong pasahero sa unahan ng sasakyan.
Oo, si Reren lang ang nakilala ko sa pangalan sa mga bata, nagkataon lang kasi na binanggit ito ng mga kasamahan niya.
Bumaba ang manong ilang kanto bago sa istasyon ng LRT sa Tayuman, sinundan ito ni Reren na nauna ng bumaba sa kesa sa mga kasama.

          Ewan ko kung anong trip ko sa buhay at naisipan ko na patagong kunan ng litrato gamit ang kamera ng cellphone ko ang tatlong bata sa harapan ko. Napansin nila ako sa kalokohan ko at ayun na nga, HULI KA MEN!
Akala ko mapapahiya ako pero  bigla silang NAG-POSE.

unang shut “BLURR”…


Naki-pose na din ang dalawa pang bata na kanina lang e katabi ko…

TSARAN! (Sorry kung hindi masyado malinaw, mumurahin lang kasi ang cellphone ko. ^^)


         Natuwa ako sa mga ngiti na nakita ko sa mukha nila. Para bang napakababaw ng kaligayahan pero para sa kanila MALAKING BAGAY NA ANG SIMPLENG pagpapa-PICTURE para maging masaya. 


Naka STOP SIGNAL ang Traffic lights sa Tayuman. Bumaba na ang mga bata.

        Nakaupo ako sa pinakaunahan ng jeep, malapit sa pintuan. Ilang Segundo pa lang ang nakakalipas buhat ng bumama sila…

“ATE! ATE!”
“AYUN SI ATE OH’!”
 Nakita ko yung  tatlo sa mga bata kanina, pero ngayon kasama na si Reren. Bakit kaya sila bumalik?
“BAKIT?” nakangiting tanong ko.
“ATE PA-PICTURE DIN DAW PO SI REREN.”
 Bahagya sana silang aakyat muli sa jeep ng sumigaw ulit si manong driver…
“HOY! BAWAL SUMAKAY!” sigaw ni manong.
Dahil sa kasalukuyan nga na naka-stop signal kaya steady lang lahat.
“LOBAT na eh,” sabi ko na lang para makaiwas. Pero makukulit talaga sila kaya eto..

SHUT pa!  tssing!!( kasama na si Reren) 




          Naalala ko tuloy yung kinanta nila ng sabaysabay habang umaandar ang jeep. May sarili silang bersyon

        Kinanta nila ang "SANA" ng bandang Kenyo, medyo madamdamin kaya nalungkot ako.Naalala ko bigla, kinankanta rin pala ito ni MUTYA. :p

Sana ang buhay ay walang dulo o hangganan.

Sana’y wala ng taong mahirap o mayaman.

Sana’y iisa ang kulay, sana ay wala ng away

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin, sana’y magkatotoo.

Sana’y laging magbigayan

Sana’y laging magmahalan

Sana ang tao’y hindi nagugutom o nauuhaw

Sana’y hindi na gumagabi o umaaraw

Sana ay walang tag-init, sana ay walang taglamig

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin ng bawat isa sa mundo.

Sana’y pag-ibig na lang ang isipin, sana’y magkatotoo.

Sana’y laging magbigayan

Sana’y laging magmahalan...


      Naisip ko na ganito talaga ang lagay ng lipunan.
Sa sobrang dami ng kwento, karamihan sa mga dapat alam ng tao e binabalewala at hindi napapansin o sabihin na natin hindi talaga pinapansin ng may kapangyarihan.

Isa lang ang gusto ko para sa kanila...

"Sana mabigyan man lang sila ng pagkakataon na makapag-aral at mabuhay sa kapaligiran na angkop para sa kamusmusan nila..."


"... at para kapag natuto sila mag-internet e mabasa at makita nila 'to!"
haha. BIRO LANG PO! (:


Pano ba yan?

INGAT!

1 comment: