Friday, March 11, 2011

"hehe" (ang sabi ng beginner)

araw ng miyerkules 5:40 am, tumunog na ang alarm ng cellphone ko.


after my morning rituals before going to school.
lakad ng mabilis sa kanto ng Halcon, tumawid ako sabay para ng jeep papunta ng Recto Ave. sa Sta. Cruz.


eto na, bumaba na nga ako ng jeep sa kahabaan ng Avenida.
lakad ulit, lakad pa.
tamang nagsa-soundtrip kaya wala ako masyado naririnig na ingay ng mga sasakyan.


ng biglang...


TSARAN!


bakit may parang gumagalaw sa likuran ko?, yung backpack ko?
MAY GUMAGALAW SA BACKPACK KO!


mabilis akong lumingon sa kanang tagiliran ko
kung saan ko naramdaman yung paggalaw ng bag ko,
nakita ko ang isang lalaki, nasa 5'7 ang taas, may kapayatan,
nakasuot ng kulay orange na t-shirt, black na short, blue na sumbrero at may nakasabit na jacket na brown sa
kanang balikat niya. mukhang puyat, problemado o baka naka-tira lang siguro?


MAGNANAKAW! (sigaw ng utak ko...pero habang nagsa-soundtrip.)


nagkatitigan kami sa mata, medyo ilang segundo rin yun.
sabay napatingin ako sa bukas kong bag, sa cellphone ko at sa coin purse na akma niya sanang dudukutin. sabay isinarado ko agad ang bukas na bag at niyakap ko ng mahigpit.
napatingin din ako sa mga kamay niya, napansin ko ang SOBRANG PANGINGINIG nito.


walang duda, isa siyang mandurukot.


hindi ko alam kung maiinsulto ba ko, matatawa o ewan.
ang totoo niyan, wala akong naibigay na reaksyon sa gitna ng tensyon nung oras na iyon. 
(shocked or surprised?) 
basta nakatingin lang ako sa kanya habang nagsa-soundtrip. medyo ang labo ko talaga kung minsan.


may binitiwan siyang salita.
mabuti pa siya may "last word".


ang sarkastiko ng dating,
ngumiti siya sa akin sabay sabi


"HeHe"


WOW ang lupet! nakaka-elibs. kamusta naman yun?
ninanakawan mo ko tapos yun lang ang kaya mong sabihin?


sa gitna ng pagsa-soundtrip ko, malinaw kong narinig
ang pinaka-STUPIDOng version ng salitang "hehe".


pagkatapos ng eksenang iyon, mabilis siyang tumawid na parang wala lang.


ako naman,
nagpatuloy na lang din sa paglalakad habang tinitignan ko kung saan na papunta ang lalaki.
mas naisip ko pa nga na late na ko kesa sa nangyari.


isa lang ang naging komento ko

"BEGINNER ba siya?"

----minsan talaga ang labo ng mga tao. ang labo ko wala man lang ako ginawa.





Thursday, January 13, 2011

"tulad ng hangin"



intro: B - G#m (2x)


(verse 1)
minsan gusto ko mapag-isa 
at mag-isip
minsan gusto ko mag-tanong 
at managinip


Bbm - B
(ref1)
nandiyan ka lang,
alam ko nandiyan ka lang


B - G#m - B - G#m
chorus:
tulad ng hangin na nararamdaman
tulad ng hangin na dumaraan
tulad ng hangin na lumalakas
pero tulad rin ng hangin na lumilipas...

(verse2)
minsan hindi mapalagay,
utak ay ligaw
minsa'y matindi, 
nabibingi sa 'yong sigaw

(ref2)
nag-paalam ka
alam ko aalis ka

(chorus)

bridge:
B - Ebm - B - F#/Bb - G#m - C#
ang bagay na minsan naging iyong mundo
di maiwasang mawala at magbago
kahit hindi mo inaasahan, kahit hindi mo gusto
dahil hindi mo kontrolado pagtakbo nito



(chorus)


F# - B - F# -B
(outro)

sana makasama pa kita
(kahit ito na ang huli)
sana makasama pa kita
(kahit ito na ang huli)



* for preview visit:
http://www.facebook.com/video/video.php?v=1553787093628&comments